Pagbunot ng Buhok sa Ilong, Posibleng Maka-Impeksiyon sa Utak

SHARE THIS ON:
Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on pinterest

Marami ang hindi nakakaalam na may danger triangle sa ating mukha. Ito ang lugar mula sa ilong hanggang sa bibig kung saan ang anumang impeksyon dito ay posibleng pumasok sa ating utak. Bihira lang ito mangyari pero posible pa rin.

Danger Triangle sa mukha

Kaya huwag ninyong tirising ang tigyawat sa mukha at huwag din bunutin ang buhok sa ilong dahil posible itong mag-impeksyon. Ang medikal na tawag dito ay “Cavernous Sinus Thrombosis” isang nakamamatay na impeksyon sa utak.

Madalas ay hindi magandang tingnan kapag masyado nang mahaba ang buhok sa ilong. Ngunit mahalaga ang mga buhok sa ilong lalo na sa pagsala ng mga dumi sa hangin kapag tayo ay humihinga. At may mahalagang dahilan kung bakit hindi mo dapat ito bunutin.

Maraming mga mikrobyo ang naninirahan sa ating ilong. Kapag binunot mo ang buhok nito, magkakaroon ng space kung saan maaaring pumasok ang mikrobyo at magdulot ng impeksyon sa iyong katawan.

Dahil ang ilong ay nasa “danger triangle”, posibleng makapunta ang mikrobyo sa iyong utak at magdulot ng impeksyon doon. Ito ay dahil ang mga ugat na nanggagaling sa ilong ay may komunikasyon sa mga ugat na nanggagaling sa utak.

Kapag nakapunta ang mikrobyo sa utak maaaring magdulot ito ng meningitis o brain abscess o pamamaga ng utak. Kaya, ugaliin na lamang na i-trim o gupitin ang mga buhok sa ilong na nakalabas. Huwag itong bunutin upang hindi magkaroon ng sugat o open area kung saan makakapasok ang mikrobyo.

SHARE THIS ON:
Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on pinterest
Close Menu
×
×

Cart